Matapos maging mailap ang suwerte sa perimiter, nahanap rin nito ang kanyang range at rhythm nang mga oras na kinailangan ito ng San Miguel.
Umiskor si Lago ng apat na triples sa ikatlong quarter upang magtapos ng 15-puntos nang pasadsarin ng Beermen ang kapatid na kumpanyang Coca-Cola, 85-73 para sa kanilang unang panalo sa PBA Samsung Commissioners Cup.
"Its a good thing Dwight really stepped up for us," ani coach Siot Tanquincen ng San Miguel na natalo sa kanilang unang dalawang laro dahil sa mahihinang imports.
Nakikilala na si Lago bilang player na maaasahan sa oras na kinakailangan dahil madalas itong umaangat tuwing nagigipit ang kanyang koponan.
Sapul nang mapabilang ito sa Beermen, simple lang ang papel ni Lago.
Kailangan lang nitong gumalaw sa loob ng peri-meter at hintayin ang double team kina Danny Ildefonso at Danny Seigle para magkaroon ito ng open shot na madalas ay nangyayari ito at nakakapag-deliver si Lago.