Matapos malimitahan sa anim na puntos lamang sa first half, huma-taw si Walker sa ikalawang bahagi ng labanan upang magtapos bilang Best Player of the Game sa kanyang produksiyong 35-puntos, 5-rebounds at 4 assists na naging daan para makaahon sa dalawang sunod na pagkatalo at makapasok sa win column.
Humakot naman si Pierre Louis ng 29 puntos bukod pa sa eksplosibong 18-rebounds na lalong nagpahirap sa Turbo Charger na lalong nadiin sa pangungulelat sanhi ng kanilang ikatlong sunod na pagkatalo sa gayon ding dami ng laro.
Walang kinahinatnan ang 30-puntos ni Sedric Webber gayundin ang magandang debut ni Johnny Jackson na tumapos ng 21-puntos bilang kapalit ng injured na si Askia Jones na pinauwi na ng Shell.
Humakot si Walker ng 15-puntos sa ikatlong quarter sa pagsisikap ng Express na tuluyang makalayo sa labanan matapos ang mahig-pitang labanan sa unang dalawang quarters.
Sa ikaapat na canto, kumayod naman si Walker ng 14-puntos kabi-lang ang unang 11-sunod na puntos ng FedEx at ang kanyang ikaanim at huling triple na nagkaloob sa Express ng kanilang pinakamalaking kalamangan na 15 puntos, 85-70 patungo sa huling 2:41 oras ng labanan.
Sa ikalawang laro, nakapasok din sa win column ang San Miguel Beer makaraang igupo ang kapatid na kumpanyang Coca-Cola, 85-73. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)