"We welcome all the support that we can get for the benefit of our national athletes," pahayag ni Buhain."And the PSC would like to express its gratitude to the FBGEA, especially to its President, Rodolfo G. del Rosario Jr.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magbibigay ang FBGEA ng 130 kahon ng sariwang saging upang makatulong sa nutritional requirements ng national athletes sa kanilang preparasyon para sa Busan Asian Games.
"Bananas are a rich source of potassium and fiber, and a daily diet capped with these fruits will indeed complete the sustenance of our athletes," dagdag naman ni Dr. Sanirose Orbeta, head ng Philippine Center for Sports Medicine (PCSM) Nutrition Department.
Sagot ng FBGEA ang pagdadala ng mga saging mula sa Davao City patungong PSC main venue sa Rizal Memorial Sports Complex ng lingguhan hanggang sa umalis ang national team sa Setyembre.