2nd round ng Barcelona Brandy P 1-M 9 Ball Billiard Challenge

Ang nationwide search para sa bagong billiards wizards ay magpapatuloy ngayon sa second qualifying round ng Barcelona Brandy P1M 9-Ball Billiards Challenge sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards sa 48 Examiner St., West Triangle, Quezon City.

Naingganyo ang mga opisyales ng Barcelona Brandy dahil sa resulta ng nakaraang linggong laban kung kaya’t plano nilang taasan pa ang nakalaang premyo sa sinumang makakatalo sa defending champion Lee Van Corteza na nanalo kontra Eduardo ‘Picoy’ Villanueva, 13-12 sa pamamagitan ng lucky breaks.

Ang mga nakaraang losing qualifiers at iba pang enthusiasts, lalaki man o babae, bata o matanda ay maaaring sumali ngayon sa qualifying round na magsisimula sa alas-2 ng hapon sa Omerta Bugsy II Bar and Billiards.

Ang top two finalists ay maghaharap bukas, Biyernes sa Robinson’s Galleria para sa tsansang makasagupa naman si Corteza para sa titulo at P15,000 top purse ng lingguhang kompetisyon na hatid ng Barcelona Brandy, Robinson’s Mall, Dream TV, Rommel Billiards, Colt 45, Adidas, Absolute Mineral Water at Omerta Bugsy II Bar and Billiards na pag-aari ni Perry Mariano.

Bilang karagdagan, ang kalahok na mananalo ng 15 sunod na linggo ang awtomatikong mag-uuwi ng extra P1 milyon prize money bukod pa ang lingguhang premyo.

Show comments