Ang Blades na dinaig ng Gilbeys Olongapo Volunteers 95-92 noong Sabado, ay nagpakita ng higit na magandang porma kontra sa Waves nang kontrolin nila ang laro simula sa umpisa.
Nagtulong sina Alex Compton at Peter Martin para sa pananalasa ng Blades sa second half na sinuportahan din nina Eddie Laure at Jeffrey Sanders sa huling bahagi ng laro.
Si Compton ay nagtapos ng may 22 puntos at 9 assists habang nag-ambag naman ng 17 puntos, 10 rebounds at one block si Martin para makisosyo sa karangalang best player ng laro.
Kumana naman ng 19 puntos si Sanders at nagdagdag ng 17 si Laure.
Samantala, dinaig naman ng Professional-Davao ang Cebuana Lhuillier, 76-65 noong Linggo ng gabi sa Davao Oriental Sports and Cultural Center sa Mati.
Kumana ang rookie na si Jon Dan Salvador ng 17 puntos at humatak ng 22 rebounds para daigin ang mas matatangkad niyang kalaban sa shaded area.