Labinsiyam na records ang nasira ng 16 kabataan sa Palarong ito kung saan nangibabaw ang Western Visayas sa sekondarya at ang National Capital Region sa elementarya.
"Considering that the Palaro was almost cancelled and some of them not really prepared for strict competitions, the records broken are good signs the we really had a good future national athletes here," pahayag ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain.
Ilan sa mga naging matunog na pangalan sa naturang kompetisyon ay sina Paolo Martinez ng Southern Tagalog, Honey Joy Ortaliz ng NCR, Marco Alcon Dacanay ng NCR at Ma. Gabrielle Infantado ng STRAA.
Best Female Swimmer si Infantado sa kanyang anim na gold medals habang Best Male Tanker naman si Dacanay sa kanyang limang golds at tatlong naitalang bagong record.
Limang ginto ang naisukbit ni Ortaliz na nagkaloob sa kanya ng titulong Best Female Athlete sa athletics bukod pa sa kanyang kontribusyon sa record breaking performance sa 4x100 relay.
Si Martinez ang tinanghal na athletics Best Male Athlete, isang tubong Nagcarlan, Laguna na kumulekta ng tatlong ginto mula sa long jump, high jump at triple jump.