Galing ang 29-anyos na si Gamboa mula sa di inaasahang pagkatalo sa mga kamay ni Keitaru Hoshino noong nakaraang Enero 29, 2002 upang tanggalin ang kanyang WBA crown at ngayon ay magtatangka siya para muling mapasabak sa panibagong world title fight.
Tampok rin sa 12-round title bout nina Rubillar at Gamboa na tinaguriang Matira Matibay ang sagupaan sa pagitan nina Archiel Villamor at Jerry Pahayahay para sa 10-round bout PABA Flyweight championships.
"Handang-handa na ako sa laban namin ni Rubillar. Magaling siya pero sa dalawang ulit niyang pagtatangka sa world title ay hindi pa siya nagtatagumpay," pahayag ni Gamboa makaraan ang kanyang workout kahapon sa L&M Gym.
"Both fighters (Rubillar & Gamboa) are good, but Gamboa is determined to regain his rightful place as a world champion, whoever wins this title on Friday will definitely have the shot for the world title," wika naman ni Joe Koizumi, ang manager ni Gamboa.
Ang naturang laban ay mapapanood sa IBC-13 sa pamagitan ng delayed telecast sa Lunes mula alas-7-9 ng gabi. Para sa iba pang detalye tumawag sa 8257229.