Mula noong nilampaso ng Centennial Team ang mga Intsik sa sarili nilang lupa, hindi na napatawad ng mga punong abala ang mga Pilipino.
Pagkatapos ng Centennial Team, dumayo naman ang Iloilo Megavoltz, na napagbuhusan ng galit ng mga taga-Taiwan. Una, nilimitahan nila ang dami ng mga tiket na napunta sa mga Pinoy, di gaya ng nakaraang taon. Pangalawa, harap-harapan nilang pinagbabayad ng doble hanggang triple ang mga Pilipino habang regular ang binabayad ng mga Tsino.
Pagdating sa laro, pinabayaan ng mga opisyal na manggulang ang kanilang Pambansang koponan laban sa Iloilo. Nang batukan ng kanilang 68 sentro si Joey Mente, nagkagulo na. Umulan ng kung anu-anong basura, tubig, pagkain, barya at maging payong.
Si Dominic Uy ay nagkaroon ng walong tahi sa kanyang braso. Si Francis Aquino ay naospital. Si Vince Hizon ay pinagtulungan ng mga table officials. Napilitang magkulong ang mga MegaVoltz sa dug-out ng dalawang oras, at sinamahan pa ng pulis pabalik sa kanilang hotel. Kung hindi lang marami ang mga Pinoy na nagtratrabaho sa hotel, malamang ay napahamak pa rin sila doon.
Subalit ito na siguro ang pinakamagandang hamon para sa atin. Kung kakayanin nating muling magkampeon sa ganoong mga kundisyon, kaya nating magwagi kahit saan. Maaari na rin nating ipaghiganti ang pang-aaping inabot ng mga Pilipino doon. Maraming manggagawang Pinoy ang umaangal na sinasaktan sila di lamang ng kanilang mga amo, kundi pati na rin ng ordinaryong mga Taiwanese na nakakasalubong nila sa mga pampublikong sasakyan.
Magkaganoon man, lakas-loob na hahamakin ng MBA ang lahat, masuot lang muli ang bandera.
Humanda na ang Taiwan.