Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Teeth Sparklers na nagpaganda ng kanilang record sa 8-5 panalo-talo sa five-team double round carryover semifinals.
Nagsanib ng puwersa sina Cyrus Baguio at Niño Gelig na tumapos ng 21 at 18 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Kutitap upang ipalasap sa Power Boosters ang ikapitong talo sa 13-laro sanhi ng kanilang pagkakabaon sa pangungulelat.
Magarbong binuksan ng Kutitap ang labanan nang kanilang iposte ang 26-13 kalamangan sa pagsasara ng naunang yugto kung saan humakot si Baguio ng 11-puntos.
Si Baguio din ang trumangko sa ikatlong quarter kung saan huma-taw ito ng 10-puntos upang ihatid ang Teeth Sparklers sa pinakama-laking kalamangan na 31-puntos, 66-35, 1:40 ang oras sa naturang yugto.
Bagamat nasa pangungulelat ang Shark, may five-of-eight incentive rule silang makakapitan upang manatili sa landas tungo sa pagdedepensa ng kanilang titulo.
"Everybody worked hard for the team, specially our veteran players. May halo na ring konting suwerte kahit papano dahil pumasok 'yung mga tira namin," pahayag ni Kutitap coach Coy Banal.