Ikalawa ay ang isang layup na sinikap pang sundan ng tip-in ni James Head matapos maagawan ni Ron Riley ng bola si Derrick Brown para sa isa na namang extra five minutes.
Eksplosibong fourth quarter ang ipinamalas ng Purefoods upang makabangon mula sa 14 point deficit. Pinagbidahan ni Brown at Ray-mundo ang mainit na 22-9 run para maagaw ang trangko, 84-80, 3:46 ang oras sa regulation.
Ang basket nina Riley at Head ang nagtabla ng iskor sa 84-all na naglagay overtime, nang magmintis si Brown sa isang open layup gayundin si John Arigo sa kanyang jumper nang tumunog ang buzzer sa regulation.Habang isinusulat ang balitang ito ay lamang ng 3 puntos ang Alaska sa pag-uumpisa ng ikalawang overtime.(Carmela Ochoa)