Humakot si Brown ng 12 sa kanyang tinapos na 33 puntos sa final canto kasama pa ang kanyang 13-rebounds at 7-assists upang ibigay sa TJ Hotdogs ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five semis series laban sa Tigers.
Hawak ng Coca-Cola ang trangko sa halos kabuuan ng laro at abante pa sa 80-74 papasok sa huling anim na minuto ng labanan ngunit sa pangunguna ni Brown at ng kanilang bagong import na si Kelvin Price na bumandera sa 11-0 run naagaw ng TJ Hotdogs ang kalama-ngan at ipinoste ang 85-80 kalamangan patungo sa huling dalawang minuto ng labanan.
Nabawi ng Tigers ang kalamangan sa pamamagitan ng magkasunod na tres nina Estong Ballesteros at Ron Hale, ngunit kapwa nagmintis ang dalawang ito sa kanilang mga krusiyal na triple attempt sanhi ng kanilang pagkatalo.
Habang trinatrabaho ni Price ang depensa, umiskor naman ng back-to-back basket si Brown upang iselyo ang tagumpay ng Purefoods na kanilang magandang puhunan patungo sa Game Two na paglala-banan bukas sa Phil-Sports Arena.
"We were down for most of the game but the heart of the players came out and i think the Price is right," pahayag ni Ryan Gregorio, ang tumatayong coach ngayon ng Purefoods. "He made a good job on defense."
Binuksan ng Purefoods ang laro sa pamamagitan ng 16-0 kalama-ngan ngunit sa pagsanib ng puwersa nina Hale at Rossell Ellis umangat ang Coca-Cola sa 53-44 pagsapit ng halftime.
Isang 22-4 run ang pinakawalan ng Tigers upang iposte ang 10 puntos na abante 30-20 sa ikalawang quarter ngunit nakalapit ang TJ Hotdogs sa 33-35 matapos ang 13-5 salvo.
Hindi nakabuti sa Purefoods ang 13 turnovers kung saan nakakuha ng 19 puntos ang Tigers sa first half sa pinagsamang 35 puntos nina Hale at Ellis. Sa 9 turnovers ng Coke, anim na puntos lamang ang nakuha ng Purefoods. (Ulat ni Carmela Ochoa)