Palarong Pambansa task Force

Nagtatag ang PHILTRANCO Service Enterprises, Inc., ang opisyal land transport carrier ng Palarong Pambansa delegates sa pakikipagtu-lungan sa Philippine Sports Commission (PSC) ng Palarong Pambansa Task Force upang siyang tumingin at mangasiwa sa tagumpay ng naturang sports spectacle na idaraos sa Mayo 19-25 sa Naga City.

Ang mga itinalagang manga-ngasiwa sa ikatatagumpay ng implementasyon ng nabanggit na aktibidades ay sina Tamin Albano, Alex Cruz at BR Fabricante ng JAMTRANS/AMTRANS at PHIL-TRANCO’s Ronald Lunar, Raffy Orellano at JG Zamora.

Lahat ng mga delegado at opisyal ng Palaro ay bibigyan hg 20% diskuwento gayundin ang national athletes, opisyal at empleyado ng PSC.

Matapos na idaos ang Pala-rong Pambansa, siniguro ng PHILTRANCO na magkakaloob sila ng 10 libreng tickets kada buwan para sa sinumang national coaches, opisyal at empleyado ng PSC.

Show comments