Nakatakda ang pagtitipan ng Juzzers at Teeth Sparklers sa unang laro, dakong alas-4 ng hapon.
Kung matatalo ang Juzzers, sila ay babagsak sa ikalawang puwesto, habang aangat naman ang Kutitap.
Gagawing pundasyon ng John-O ang kanilang impresibong 99-71 panalo kontra sa Montana upang ipagpatuloy ang kanilang winning streak sa limang sunod matapos ang anim na laro.
"Were glad that were on top though the teams is just new. But staying on top is becoming harder and now were feeling the silent pressure on us," pahayag ni coach Manny Dandan na batid niya na naka-pokus ang atensiyon ng iba pang koponan sa kanila para sila pigilin.
Siguradong may nakahandang malalim na game plan ang Kutitap kung saan kamakailan ay nagdagdag sila ng ilang mahuhusay na manlalaro mula sa Blu upang palakasin ang kanilang kampanya upang tapatan ang lakas ng John-O Juzz.
Nakatakda namang maghiwalay ng landas ang Montana Pawnshop at Blu Sun Power sa huling laro, dakong alas-6 ng gabi kung saan ang dalawang koponan ay kapwa nagtataglay ng 1-3 win-loss slate.