Dahil dito, ipinagkait ng Turbo Chargers sa FedEx Express ang huling twice-to-beat ticket.
Nagtapos ang Shell na may dalawang panalo sa kabuuang 11-pakiki-paglaban at mapapaaga ang pagbabakasyon nito kasama ang Barangay Ginebra na nasibak sa kontensiyon kasama ang dalawang Candidates Pool na RP-Selecta at RP-Hapee.
Bunga ng kabiguan ng Realty ay bumagsak ito sa No. 7 at makaka-harap nito ang Coca-Cola sa quarterfinal. Sigurado na ring No. 6 ang Batang Red Bull at ang kanilang makakaharap ay ang Purefoods.
Ang mananalo sa laban ng San Miguel at Alaska ay makakatapat ng FedEx na siyang No. 5 team at ang matatalo ang siyang magiging No. 8 at makakalaban nito ang Talk N Text sa pagsisimula ng quarterfinal round bukas sa Cuneta Astrodome.
Nagpakitang gilas si Rensy Bajar sa ikaapat na quarter upang tulu-ngan sina Askia Jones at ang bagong import ng Shell na si Cedric Webber na pumalit kay Bu Willingham.
Tumapos si Bajar ng 13 puntos, 10 nito ay mula sa ikaapat na quarter sa likod ng 41 puntos na performance ni Jones at 16 naman ni Webber na siyang magiging import ng Turbo Chargers sa Commissioners Cup.
Pinangunahan ni Victor Thomas ang Realtors sa kanyang 30 puntos ngunit nalimitahan sa 9 puntos ang kanyang kasamahang si Mark Davis sanhi ng ikalimang pagkatalo ng SLR sa kabuuang 11-laro.
Sa ikalawang laro, nakamit ng Alaska Aces ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals nang kanilang pabagsakin ang San Miguel Beer, 58-74.
Bunga ng panalong ito ng Aces, tumapos ng kanilang kampanya sa elimination na katabla ang Batang Red Bull at Fed-Ex sa 6-5 kartada, sila ang ookupa sa No. 4 slot sa quarterfinals sanhi ng kanilang mataas na quotient. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)