Ito ang kapwa pakay ng TJ Hotdogs at Realtors sa kanilang pagsasagupa ngayon sa pag-usad ng eliminations ng Samsung-PBA Governors Cup sa PhilSports Arena.
Pambungad na laban ang engkuwentrong Purefoods at Sta. Lucia sa ganap na alas-3:45 ng hapon na susundan ng paghaharap ng Alaska Aces at Shell Velocity sa dakong alas-5:45.
Tanging ang Talk "N Text pa lamang ang nakapuwesto na sa top-four na mabibigyan ng bentaheng twice-to-beat sa eight-team quarterfinal round sanhi ng kanilang iniingatang pinakamagandang record na 8-1 panalo-talo.
Halos wala na ring laglag ang TJ Hotdogs sa top four sa taglay na 7-2 records gayundin ang Coca-Cola na may 7-3 kartada ngunit para maiwasan ang komplikasyon, mas mabuting makawalong panalo.
Bukod sa Phone Pals, TJ Hotdogs at Tigers, sigurado na rin sa quar-terfinals ang FedEx. Posibleng pasok na ang 5-4 records ng Realtors at Batang Red Bull ngunit mas maige na ang anim na panalo.
Naunsiyami sa twice-to-beat ang TJ Hotdogs bunga ng 75-89 pagka-talo sa Express noong Abril 5 at inaasahang maibaon ito sa limot ng Purefoods at higit na maging masigasig sina import Derrick Brown at Leonard White.
Mataas naman ang morale ng Sta. Lucia na haharap sa Purefoods bunga ng kanilang three-game winning streak at itoy nais nilang ipagpatuloy sa pangunguna nina imports Victor Thomas at Mark Davis.
Sa taglay na 4-5 record ng Alaska tulad ng San Miguel Beer, kaila-ngan nilang maipanalo ang laban ngayon at ang huling asignatura kontra sa Beermen upang makaiwas sa kumplikasyon patungong quarterfinals.