Sa mga nakaraang buwan, unti-unti nang nakakabawi ang motor sports dito sa atin. Ang isang problema nga lang ay hindi pa sila nagbubuklod-buklod, dahil na rin sa dami ng klase ng car racing events: karting, autocross, rallye at iba pa.
Subalit ngayon, may pribadong grupo na nagtatangkang pag-isahin ang mga samahang ito at anyayahan din ang mga nagkakarera ng illegal na maging lehitimo.
"Inilulunsad namin ang Dickies DRIVE, na ang ibig sabihin ay Dickies Racing In Values and Excellence," bungad ni Dodie Andaya, vice-president ng American Star Apparel, ang gumagawa ng mga damit ng Dickies dito sa Pilipinas. "Nais namin maging responsable ang lahat ng nangangarera dito sa Pilipinas, para maiwasan ang mga sakuna, lalo na sa mga inosenteng motorista.
Sa Amerika, aktibong miyembro ng NASCAR (National Association for Stock Car Auto Racing ) ang Dickies, bilang sponsor ni Trent Owens sa Cartfsman Truck series ng NASCAR. Dito sa Pilipinas, inilunsad noong Biyernes ang Dickies Racing Team sa Ratsky, Tomas Morato, na pinagbibidahan ng magkapatid na Monching at Tonton Gutierrez.
Nagsimula ang dalawang mangarera noong 1999 at sa loob lamang ng panahong lumipas, umakyat na sa Class C champion si Monching.
"Inggit na inggit nga ako sa kapatid ko, eh." pag-amin ni Tonton. "Mahigpit kasi ang schedule ko. Pero ngayon, magagawan ko ng paraan ang magmaneho uli."
Sa tulong ng MP Turbo team ni Mike Potenciano, ang magkapatid na artista ay susuong sa ibat ibang karera sa taong ito, simula sa Asian Festival of Speed sa darating na Sabadot Linggo sa Subic International Raceway. Naway maging hudyat ito ng pagkakaroon ng panibagong interes sa motor sports mula sa ordinaryong mamamayan.