Flowers inangat ang Olongapo

Gumawa si Jeffrey Flowers ng eksplosibong opensa sa huling maiinit na bahagi ng labanan upang iangat ang bagitong Olongapo at pabag-sakin ang RCPI Negros, 104-82 noong Martes ng gabi sa MBA First Conference sa Olongapo Convention Center.

Ang panalo ay naghatid sa Volunteers ng pakikisosyo sa maagang liderato sa Cebuana Gems dahil sa kanilang magkawangis na 2-0 panalo-talo karta.

Tumapos ang 6-foot-8 na si Flowers, ang leading rebounder ng liga noong nakaraang taon ng 30 puntos bukod pa ang 18 rebounds upang igiya ang Volunteers sa 50-35 kalamangan sa rebounds.

Samantala, sisikapin ng Slashers na makabawi sa kanilang kabiguan sa nakatakda nilang paghaharap ng Professional Davao Eagles sa alas-6 ng hapon ngayon sa St. La Salle Gym sa Bacolod City, habang magtitipan naman ang Osaka Pangasinan at Cagayan de Oro sa alas-6 ng gabi na ang aksiyon ay dadako sa San Fabian Gym.

Show comments