'Darterong Pinoy' sa Abril 13

Nalalapit na ang "Darterong Pinoy P75,000 Summer Dratfest".

Ang torneo ay gaganapin sa Abril 13-14 sa Pearl Plaza, Quirino Avenue, Parañaque City.

Ang lahat ng events sa torneo ay classified, kaya’t lahat ng rated na manlalaro ay ipapares sa isa’t-isa kaya’t inaasahang maraming novice at baguhan ang lalahok sa nasabing torneo.

Bukod sa cash prizes, marami pang mga papremyo ang maaaring mapanalunan sa bawat event. Ang mga interesadong lumahok sa torneo ay maaaring tumawag kay Tito Soncuya sa 4169242 o 3723541 o kaya kay Pet Salvador sa tel. no. 8896794.

Show comments