Nakalusot ang team ni Senator John Osmeña at nanalo ito laban sa Ana Freezers. Kapag ganyan ang isang bagong team eh nakaka-ungos, magandang senyales yan para sa liga.
Mukhang matutuloy na rin yata sa championship ang ICTSI-La Salle team ni coach Franz Pumaren. Magandang senyales din yan dahil nakaka-boring na rin ang Shark-Welcoat finale.
Aantayin natin ang Ateneo team dahil I am sure, maraming basketball fans ang umaasang mae-extend ang La Salle-Ateneo rivalry tungo sa PBL by seeing them in the finals of the Chairmans Cup.
Titingnan natin kung gaano ka-bongga ang opening ng MBA under the leadership ni Comm. Chito Loyzaga.
Naniniwala kami na kaya bonggang muli ang MBA ngayon eh dahil na rin sa kredibilidad at integridad ng isang Chito Loyzaga.
Isa kami sa mga umaasang magiging matagumpay hindi lamang ang kanilang opening ceremonies kundi ang kabubuuan na rin ng liga!
Good luck sa yo Comm. Chito Loyzaga at sa buong MBA.
Dinadala nila ang coverage ng PBL at pati na rin ang MBA.
For a while, kinabahan ang maraming basketball fans na hindi na nila makikita sa TV ang MBA.
Pero mabuti naman at nandiyan ang NBN.
Mabuhay kayo diyan NBN Chairman Joey Isabelo at lahat ng mga taga-NBN for helping the world of basketball para lalo silang mapalapit sa puso ng masa.
Nalaman ko yan kina Deo at Tonette Kalaw na siyang may-ari ng Imus Dojo Akido Club (plugging: nasa Balimbing Drive Imus Cavite) na talaga palang pinuputakti ng mga mahihilig sa aikido.
Pangarap nina Deo at Tonette na balang araw, higit na marami pang kabataan ang mahihilig sa aikido.
Sana nga....