Nagbida sa buwena manong panalong ito ng John-O si Froilan Baguion na umiskor ng winning basket sa huling 1.2 segundo ng labanan upang kumpletuhin ang kanyang 20 puntos, 6 rebounds at 8 assists performance.
Abot-kamay na ng Freezers ang tagumpay at wala nang dapat gawin kundi ubusin na lamang ang oras ngunit maagang tumira si Ronald Pascual, 11 segundo pa ang nalalabing tikada sa orasan nang magmintis ang kanyang jumper.
Ito ang nagbigay daan sa coast-to-coast basket ni Baguion kung saan nalusutan nito ang limang defenders na naglagay sa trangko sa Juzz, 1.2 segundo ang nalalabing oras sa laro.
Wala nang nangyari sa huling posesyon ng Ana nang hindi na umabot sa ring ang desperadong tira ni Pascual mula sa midcourt hanggang sa tumunog ang final buzzer.
Papasok sa huling 1:05 oras ng labanan, angat ang Freezer Kings sa 101-96 matapos ang tip-in ni Ronald Tubid mula sa nagmintis na basket ni James Laygo.
Umiskor naman si Archen Cayabyab ng basket at dalawang free-throws mula sa na-foul out na si Robin Mendoza upang ilapit ng John-O sa 100-101, 23 segundo na lamang ang nalalabing oras sa bakbakan.