Unang naging biktima ng Volunteers ang koponan ng Pampanga Stars sa kanilang unang tune-up games na idinaos noong nakaraang Martes sa San Juan Gym, 90-79.
Naging mainit ang panimula ng Amigos ng kanilang ibaba ang 15-7 bomba upang kunin ang trangko.
Pero hindi nagpabaya ang Volunteers at isang umuusok na 26-6 run ang kanilang iginanti sa huling limang minuto ng first canto patungong second quarter ang nagbigay sa kanila ng 31-21 kalamangan.
Ngunit hindi natigatig ang Amigos at muli silang nagbaba ng malaking atake upang makaahon mula sa 16-puntos na deficit, 29-46 sa third canto nang kanilang ibaba sa anim na puntos ang bentahe ng Olongapo, 53-49.
Isa sa nagpahirap sa Olongapo ay ang tambalang Ruel Buenaventura at Randy Lopez na siyang dumepensa sa Fil-Am na si Jeffrey Flowers dahilan upang ang Volunteers ay magtala ng 11 turnovers kumpara sa Amigos na mayroon lamang dalawa sa third canto.
"So far, so good. But Im not yet satisfied with our performance. Hopefully before the season opens, we can still polish our game," pahayag ni Baculi.