Ang mga manunudla ng 2ID shooters ay binanderahan nina 2Lt. Jerold Jale, Cpl. Arthur Tirador, Pfc Angelito Astoveza, SSgt. Nicasio Hugo at Cpl. Noel Guna.
Ang nasabing shooting competition ay inihalintulad sa katatapos na 11th ASEAN Armies Rifle Meet (AARM) ay binubuo ng mga kompetisyon sa pistol, rifle, carbine at machine gun. Ang bawat contingent ay binubuo ng 12-man team.
Tinanghal na kampeon ang 2ID shooters matapos na magtala ng 46 team index points sa rifle match at nagposte ng panibagong 66 index points sa pistol match. Nakuntento lamang sa second place ang pinapaborang Light Armor Brigade team.
Tumapos naman ng ikatlong puwesto ang 4ID (175) sumunod ang 3ID (152) at ang 7ID (144).