Higit pa rito, epektibong pinunan ni Pablo ang pagkawala ng ilang players ng Phone Pals na ipinahiram sa National pool na nagtra-tryout para sa RP team na ipadadala sa Asian Games sa Busan, South Korea.
Nasa Candidates pool sina Asi Taulava, Don Camaso at Patrick Fran ngunit hindi ito malaking epekto sa Talk N Text dahil sa pag-angat ni Pablo upang ibangon ang kanyang career.
"I really believe the key factor in this conference is going to be the locals. The imports will just cancel each other out so the locals have to really step up. Im happy that guys like Vic have stepped up huge for us," ani American Bill Bayno, na ginawang swingman si Pablo.
Pumukol ng mahalagang tres si Pablo kontra sa Ginebra upang ihatid ang Phone Pals sa 87-72 panalo at tumapos ng 16-puntos at 7 rebounds tumatak sa isipan ng mga miyembro ng PBA Press Corps upang ipagkaloob sa kanya ang naturang award.
"Vic has really come up big for this team. The only way I can describe him is huge," sabi ni Bayno sa mga sportswriters pagkatapos ng kanilang panalo sa Gin Kings.