Danggod vs Coma

Aakyat na sa ibabaw ng lona sina World Boxing Organization No. 11 at dating Philippine Lightflyweight champion Celso Danggod at WBO No. 12 lightflyweight Jonnie Coma ngayong gabi para pag-agawan ang bakanteng WBO Aspac Lightflyweight Championship sa ballroom ng Elorde Sports Complex sa Parañaque City.

Ang naturang laban ay isang 12-round bout.

Bukod sa dalawang nabanggit na fighters, mayroon ring inihandang 10-rounds bouts para sa dalawang mahuhusay na boksingero ng bansa bilang supporting bout ng main event na magsisimula sa alas-5 ng hapon.

Unang makakaliskisan ang tikas ni WBO International flyweight champion Randy Ma-ngubat na sasabak kontra Tata Polinar, habang haharapin naman ni WBC Int’l minimumweight champion Ernesto Rubillar si Ben Albañez.

Show comments