At dahil sa tinatayang pagsali ng ilang movie at TV personalities, inaasahang malaking bilang ng mga manonood sa karerang ito na may nakatayang P35,000 para sa top three finishers male at female na co-sponsored ng Dole Singles, Manly Sportswear, Sustagen Premium at Kellogs Cornflakes.
Ayon kay Sunita Kathri, Slimmers World marketing manager, tatanggap ang first overall finisher at first female finisher ng tig-P10,000 at medalya; ang runner-ups ay tig-P5,000 at medalya; habang ang third overall at third female finishers ay tatanggap ng tig-P2,500.
Ang lahat ng kalahok ay tatanggap ng t-shirts bago ang karera habang may naghihintay naman na gift bags sa lahat ng finishers sa finish line.
Inihayag ng organizers na ang lahat ng kalahok ay kailangang nasa assembly area sa parking lot 9 ng Greenhills Shopping Complex ng hindi lalampas sa alas-4:30 ng umaga upang kunin ang kani-kanilang t-shirts. Para sa seguridad, kailangan nilang isuot ang t-shirts habang tumatakbo. At dahil sa ibat ibang kahilingan, tatanggapin pa ang mga lahok hanggang sa alas-12 ng tanghali ngayon.