Ang naturang event ay magkatulong na inorganisa ng Rotary Club of Diliman sa pangunguna ni Lourdy Torres at Philspada sa pangunguna naman ni Mike Barredo at hatid ng Nestle Philippines, Portal at Philippine Sports Commission.
Inihayag ni Barredo na naging panauhin kahapon sa PSA Forum na hatid ng Agfa at Red Bull sa Holiday Inn at Diliman Rotary officials Alex Cureg, Steve Robles at Ric del Castillo na ang mga nagwagi sa National Games ang siyang kasama sa pool of athletes para sa international competitions, kabilang ang Asia Pacific meet matapos ang Busan Asian Games sa Korea ngayong Setyembre.
Ang mga events na paglalabanan ay ang 21K wheelaton, basketball on wheels, soccer, throwing contest, track races, swimming, judo, volleyball, showdown at tennis.