Ang 28-point performance ni Moore bukod pa sa 8-rebounds at tigalawang steals at blocks ay isang mensahe para sa FedEx management na karapat-dapat pa itong manatili sa koponan matapos lumutang ang balitang papalitan ito.Malaking epekto sa Aces ang mahinang performance ni Muntrell Dobbins na tumapos lamang ng 8-puntos sanhi ng ikalawang pagkatalo sa 5-laro katabla ang RP-team Hapee.
Katulong ni Moore si import Jermaine Walker na tumapos naman ng 27-puntos at Paul Alvarez na nag-ambag ng 14-puntos, 10 sa 14-2 run sa ikaapat na quarter kung saan ibinandera ng Express ang pinakamalaking kalamangan na 19-puntos, 83-64 tungo sa kanilang tagumpay.
Sa unang bahagi pa lamang ng labanan, kumayod na si Moore matapos magtala ng 14-puntos sa unang canto at ihatid ang FedEx sa 48-36 kalamangan sa halftime.
Kinumplimentuhan naman ni Walker ang pagiging masigasig ni Moore nang magtrabaho ito sa ikatlong quarter sa pagkayod ng 11-puntos upang panatilihing nasa double digit ang kalamangan ng Express.
Sa ikalawang laro, naitala ng San Miguel Beer ang kanilang ikalawang sunod na panalo makaraang payukurin ang Shell Turbochargers, 76-72. (CVOchoa)