Tinawid ni Asiado ang 60-kilometrong Criterium race na inorganisa ng PACA Meycauayan Bulacan Cycling Chapter sa tiyempong 1:34:15 segundo, habang pumangalawa si Marlou Decena na may 1:34:54 na sinundan ni Arman Bernardino na may 1:35:56.
Ang mga nanalong siklista ay nakatakdang sumabak sa National Open Cycling Championship na gaganapin sa ikalawang linggo ng Abril.
Ang naturang karera ay sinimulan ng bandang alas-9 ng umaga sa harapan ng Meycauayan Commercial Complex at walang iba kundi si Hon. Mayor Eduardo Alarilla ang siyang nagpaputok ng baril kasama si Lydia de Vega-Mercado sa isang simpleng sermonyas na dinaluhan ni PACA secretary general Armando Bautista.
Samantala, nakatakda ang susunod na elimination sa Marso 10 sa Davao City at ang mga sasali ay maaaring makipag-ugnayan kay PACA Davao Commissioner Jun Pahulio.