Si Avila na umiskor ng impresibong panalo kontra Junver Halog noong nakaraang December 22 ay nag-training ng husto kung saan naniniwala ang humahawak sa kanya na ito ay isang " a chance of a lifetime."
Sinabi ng trainer ni Avila na si Leonardo Ambo" Pablo na ang kanyang fighter ay mayroong "fifty-fifty chance" na manalo ng titulo at makuha ang karapatang mapasabak sa kasalukuyang WBC super flyweight champion na si Masamori Tokuyama na inutusan ni WBC president Jose Sulaiman na bigyan si Peñalosa ng isang rematch sa Setyembre.
Isa sa inaasahang pagtutuunan ng atensiyon ni Avila ay ang "punching power" ni Peñalosa na mayroong ring record na 27 knockouts sa 43 panalo at apat na talo, tatlo rito ay mula sa kontrobersiyal title fight at isang draw.
Hawak naman ni Avila ang record na 25-8-3 na may 12 KOs at sinabi nito na "If I can take his punch, then Gerry has a fight in his hands."
Sa parte naman ni Peñalosa na kakaibang fighter ang makikita ng mga manonood sa dahilang, isa siyang gutom na fighter na naghahangad na muling ibangon ang kanyang reputasyon at mabawi ang world title.
Sa main supporting bout, makakaharap ni WBC International bantamweight champion Abner Cordero si Raffi Aladi ng Baguio City sa 10-rounds bout, habang sa iba pang laban, tampok naman ang paghaharap nina No. 6 light flyweight Gerald Ubatay at LUZPROBA No. 1 Enting Ignacio at No. 8 super flyweight Rolando Gerongco ng Cebu na mapapasabak sa No. 9 Flash Morillo.