Tatahakin ng PRHM ang Pasig Riverbank na dadaan sa 11 mula sa 13 tulay. Ang naturang karera ay inorganisa ng Clean & Green Foundation, Inc., sa pakikipagtulungan ng Philippine Track and Field Association, Fort Bonifacio Development Corporation at Pasig River Rehabilitation Commission.
Nakataya sa karerang ito ang P350,000 cash prizes, tropeo, medalya at finishers t-shirts sa top placers at sa makakatapos sa marathon na ito.
Mayroong ding 5K Fun Run bilang side event para sa mga runners sa loob ng Global City bilang bahagi ng 42K marathon.