Ang Stars ay kikilalaning Guardo-Pampanga Stars.
Makakasagupa ng Stars sa single-round robin format ang Spring Cooking Oil, Philippine Youth team at ang Cebu-based teams Osaka Iridology, multi-titled M. Lhuillier at sister team Kwarta Padala.
Sinabi ni CBL chairman Jonathan Guardo, chief executive officer at presidente ng Osaka na ang pag-entra ng Stars ang siyang magbibigay daan sa isang mahigpitang laban para sa titulo ng isa sa pinakaprestihiyosong tournament ng Cebu.
Ang opening ceremonies ay gaganapin sa University of San Carlos Gym, habang ang mga susunod na laro ay idaraos naman sa Cebu City Coliseum.
Isa sa inaasahang magiging tinik sa landas ng Stars ang koponan ni Tac Padilla ang Spring Cooking Oil na babanderahan ng seven-time Best Import na si Bobby Parks.
Maliban lamang sa mga bagitong sina Roland Pascual at Fil-Am Chris Guinto, pawang mga datihang manlalaro na ang kakampanya sa Stars na magpapakita ng aksiyon sa MBA ngayong season.
Samantala, magsasagawa ang Olongapo Volunteers ng ilang serye ng tryouts simula ngayon hanggang Linggo sa Dumlao Gym sa Mandaluyong simula sa ala-1 ng hapon. Ang naturang tryouts ay pangangasiwaan ng bagong upong coach na si Junel Baculi.