Ito ang inihayag kahapon ni Ramon Suzara, ang kinatawan ng PSC sa Busan Asian Games Task Force ng maging panauhin ito sa PSA Forum sa Holiday Inn kung saan nakasama niya si RP delegation chef de mission Tom Carrasco.
"Its the PSCs role to fund the national athletes. So we at the task force are making sure that the money will be spent on athletes who can really compete at the Asian Games level," pahayag ni Suzara.
Sinabi naman ni Carrasco na ang task force,na binubuo rin ng kinatawan ng Philippine Olympic Committee (POC) ay nasa second phase na ng pag-uusap at nakatakda silang makipagpulong sa mga liders ng ibat ibang national sports associations na mag-papakita ng aksiyon sa Busan Games.
"The first phase was the setting up the criteria on how to qualify to Asian Games. And with regard to the second phase, we have met 24 of the 33 NSAs like billiards, athletics, golf and taekwondo. We expect to meet the nine others in the next two days," ani naman ni Carrasco.
Sinabi pa ni Carrasco na matapos ang nasabing meeting, iprinisinta ng mga NSAs head ang kani-kanilang mga hinaing gaya ng training para sa Asian Games at sisimulan na ng task force na i-monitor ang training ng mga atleta at development para magtagumpay sa quadrennial meet.
Kamakailan ay inihayag na rin ng task force ang pagpapadala ng "lean but mean" delegation sa Asian Games na binubuo ng maliit na bilang ng atleta. Ito ay inaasahang malaking kabawasan mula sa 600 atleta na nanalo ng iisang gold medal na hatid ng billiards apat na taon na ang nakakaraan sa Bangkok.
"Who wouldnt want to surpass the one gold medal we won in Bangkok four years ago? Thats why we are convinced that the NSAs should really send their best. We should be positive and we should support our athletes," dagdag pa ni Suzara.
Samantala, isinulong ni Manila Mayor Lito Atienza ang kanyang hangarin na mag-bid ang Manila para sa 2005 Southeast Asian Games.
Ayon kay Mayor Atienza, hindi na kailangan pang gumastos ng malaki gaya ng naunang ipinahayag ng Pampanga, Bacolod at Cebu na kailangang nilang maghanap ng hindi bababa sa P3 hanggang P2 bilyon para sa pagho-host ng biennial meet.
Ayon kay Atienza gagastos lamang ang siyudad ng Manila ng P1 bilyon para sa pagdaraos ng SEA Games.
"Im sure it will be much less than these figures," patungkol ni Atienza sa P3 bilyon at P2 bilyong pondo na unang ipinahayag ng Bacolod, Pampanga at Cebu.
Sinabi ni Atienza na hindi na problema kung sa Manila idaraos ang nasabing event dahil maraming hotels, infrastractured at mga pasilidad na nakatayo na dito at hindi na kailangan pang magpagawa, bukod pa ang Rizal Memorial Sports Complex, Ninoy Aquino Stadium, PhilSports Arena at iba pa.