Makaraan ang sorpresang draw sa Jakarta, ang kanilang panalo ang naghatid sa Manila na manatili sa ikatlong puwesto sa overall sa walong koponang kalahok mula sa 12 bansa.
Nakipaghatian ng puntos sina GMs Eugene Torre at Joey Antonio kontra Singh Gurpreetpal at Joshi GB, ayon sa pagkakasunod, habang tinalo naman nina GM Bong Villamayor na naglarong hawak ang itim na piyesa si Karun Duggal at pinatalsik naman ni NM Manny Senador si Sareen Vishal.
Ang panalo ay senyales na nakalusot na sa sobrang kapaguran at kumpiyansang blinangko ang Baghdad sa penultimate round.