Nakopo ni Godoy, naging susi sa pag-sweep ng Lady Tigress ng titulo sa UAAP netfest noong nakaraang linggo ang isang slot sa RP team nang kanyang talunin si Alyssa Labay, 2-6, 7-5, 6-3 at Julie Ann Cadiente, 6-4, 7-5 sa tatlong araw na eliminations na isinagawa ng Philippine Tennis Association sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nakapasa rin sa tryouts si Anna Patricia Santos ng University of the Philippines nang kanyang igupo naman si Cadiente, 7-6, (4), 6-0 at Labay, 6-4, 6-1.
Si Czarina Mae Arevalo, ang No, 1 tenista ng bansa ang siyang kumumpleto sa national team na lalahok sa Asia-Oceania Group 1 qualifying event na nakatakda sa Marso 4-10 sa Guangzhou Fangcun Tennis Center hardcourt sa China.
Ang bansa ang isa sa 11 nation na kalahok sa Group 1 event kung saan ang top two sa bansa ang siyang uusad sa World Group qualifying playoffs sa Hulyo.
Dahil sa malakas na line-up na binubuo nina SEA Games veterans Jennifer Saret, Vida Alpuerto at Arevalo, ang Philippines ay iniangat sa Group 1 matapos na manguna sa Group 2 qualifying event sa Kaohsiung, Chinese Taipei noong nakaraang taon.