Sunud-sunod na dumating sina Quirimit, Victor Espiritu at Ramos bilang ikasiyam (3:47.15), ika-10 (3:47.21) at ika-11 (3:47.40) matapos tahakin ang 133 kilometro.
Bagamat nabigong iangat ng RP riders ang kanilang overall third standing sa team competition, ang kanilang performance ay sapat na para sa idividual top 10 slots.
Ang 1996 Marlboro Tour rookie champion na si Espiritu ay umangat sa ikapitong puwesto mula sa ikasiyam habang nakapasok naman si Ramos sa kauna-unahang pagkakataon matapos pumangwalo, 29-minuto at 38 se-gundo ang layo sa halos sigurado nang Asian idividual titlist na si Tonton Susanto ng Telekom na third placer sa lap.
Nasa ika-10th place naman si Quirimit na nagsuot ng blue jersey para sa Asian leadership sa unang tatlong stages ng tour na ito.
Kabilang sa Asian top 10 sina Tomoya Kano ng Japan (5th), Tsen Seong Hoong ng Malaysia (6th) at Nor Effandy Rosli ng Telekom All-Stars (9th).
Dahil sa pag-akyat ng RP riders sa top 10, ay nananatili silang nakakapit sa ikatlong puwesto sa overall sa likod ng nangungunang Telekom All-Stars at Japan. Nasa ikaapat at ikalimang slot ang Malaysia at China.
Malalaman ngayon ang final team at individual placings sa gaganaping final stage ng karera na isang 75.6-km criterium sa palibot ng Kuala Lumpur.