Shark nakalapit sa titulo

Napanatili ng Shark Energy Drinks ang kanilang composure upang maitakas ang impresibong 61-46 panalo kontra sa Welcoat Paints at mangailangan na lamang ng isang panalo para ma-sweep ang PBL-Alaxan Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Pinangunahan nina Rysal Castro at Chester Tolomia ang pananalasa ng Power Boosters sa paghakot ng 16 at 14-puntos ayon sa pagkakasunod nang kanilang maagang iparamdam sa Welcoat ang kabiguan.

Target ng Shark na ma-sweep ang best-of-seven championship series sa Martes sa alas-5:00 ng hapon pagkatapos ng Individual Players Achievement awards sa alas-4:30 ng hapon.

"Sabi ko nga, it will take a lot of hardwork all the way," pahayag ni Shark coach Leo Austria.

Nauna rito ,ipinamalas ng Kutitap Toothpaste ang kanilang matinding determinasyon sa huling segundo ng sagupaan upang pabagsakin ang ICTSI-La Salle,77-76 at makopo ang ikatlong puwesto.

Show comments