2-0 bentahe susunggaban ng Shark

Kapag nakakaamoy ng dugo ang isang pating, agad nitong sinusunggaban ang biktima.

Ito ang nasa isip ni coach Leo Austria sa target ng defending champion Shark Energy Drink na ikalawang sunod na panalo kontra sa Welcoat Paints ngayon sa PBL-Alaxan Challenge Cup finals sa Makati Coliseum.

Ang Game Two ay ipapalabas ng live sa alas-5:00 ng hapon sa National Broadcasting Network.

Hangad naman ng Kutitap Toothpaste na maisukbit ang konsolas-yong ikatlong puwesto sa kanilang pakikipagharap sa ICTSI-La Salle sa alas-3:00 ng hapon matapos maisubi ang unang panalo, 90-68.

Ipinakita ng Shark na kapag sila’y nasasaktan ay lalo silang nagiging agresibo. Si Irvin Sotto ay nagtamo ng knee sprain sa ikatlong quarter, iniinda ni Rysal Castro ang kanyang injury sa kanang balikat na na-foul out kasama si Gerald Ortega sa regulation.

Ngunit hindi bumigay ang Power Boosters nang umangat sina Warren Ybañez at Sotto sa overtime at iposte ang 80-79 panalo.

Ngayong nakauna na ang Shark, kumpiyansa si Austria na muling magiging intensibo ang kanyang mga bata upang makaganti sa Welcoat.

"That win really gave us the momentum and the confidence against Welcoat in Game Two. Though possible, we’re not much thinking of a sweep at this point. For sure, Welcoat will try to get back. We’ll take it one game at a time," ani Austria na nag-aalala sa injuries nina Castro at Sotto na posibleng makaapekto sa kanilang diskarte.

"We’re back to the drawing boards. As I’ve said, Shark has matured and though we’re much favored on paper, the records are not enough insurance. Maybe Shark played with bigger hearts. But we’ll try to come back and claim Game Two," wika naman ni coach Junel Baculi ng Welcoat.

Show comments