Kumana si Chris Tiu ng 33 puntos kabilang ang walo sa huling tatlong minuto ng laro upang pangunahan ang Stallions at iposte ang 34-24 kalamangan sa second period na hindi na nagawa pang tibagin ng Bedans.
Bago ang nasabing panalo, unang naging biktima ng Stallions ang St. Stephens, 52-45 upang ma-sweep ang kanilang asignatura sa first round sa Tiong Lian cagefest.
Naghabol ang Stallions sa 18-21 sa pagtatapos ng first period at kanilang kinuha ang trangko sa 38-36 sa halftime mula sa free throws ni Tyrone Tang na tumapos ng 16 puntos tungo sa kanilang panalo.
Nagpakita rin ng magan-dang depensa para sa Stallions si Joseph Chua dahilan ng pagkulapso ng Bedans.