Matapos lumabas ang balitang hahabulin nina Noli Locsin at Bong Hawkins ang dating Philippine Basketball Association ball club, ito rin ang planong gawin nina Zaldy Realubit, Dindo Pumaren at Ricky Calimag.
Ito ang pahayag kahapon ng kilalang player agent na si Danny Espiritu na nagsabing ayaw na sana niyang umabot pa sa korte ang usaping ito kayat umaasa siyang makikipag-usap ang Tanduay sa naturang kaso.
Nakapaloob sa side contracts ng limang players ang kanilang bonus schemes na hindi ipinasa ng Tanduay sa PBA Commissioners office kung saan ang nakarating lamang ay ang kanilang Uniformed Players Contracts (UPC).
"We just want to explain to Tanduay officials that we don't want the issue to reach the court, but at the same time, we want them to know that its their fault that this controversy came out," pahayag ni Espiritu.
Sa iba ang balita, hinihintay pa ng San Miguel ang pagdating ni John Seigle, tatay ni Danny bago hainan ng bagong kontrata ang player.
Nakatakda namang dumating sa bansa ang dating Ginebra import Jerrold Honneycut upang palakasin ang Talk N Text kasama ang dating Gonzaga standout na sina Ritchie Frahm.
Si Frahm ay isang 65 guard na naging best shooter sa All West Coast conference sa US National Collegiate Athletics Association.
Samantala, pursigido pa rin ang Phone Pals na italagang coach ang Amerikanong si Billy Bayno ngunit masusi nilang pinag-aaralan ang magiging reaksiyon ng Basketball Coaches Association of the Philippines na nakakuha ng DOLE ruling na nagbabawal kumuha ng foreign coach sa PBA teams.
Pumirma na rin sina Omanzie Rodriguez at Chito Victolero ng tat-long taong kontrata sa Sta. Lucia Realty gayundin din si Edwin Bacani sa Shell. (Ulat ni Carmela Ochoa)