"We intend to put up a team that would bring home several bacon, not just one," pahayag ni PSC Chairman Carlos Tuason na pinuno ng Task Force na nagsimula nang magtrabaho kahapon.
"We also intend to send a lean team, a fighting one at that, and make sure everybody on the team gets the proper training, equipment and foreign exposure to guarantee a respectable finish," dagdag nito.
Kasama ni Tuason sa Task Force sina dating Gintong Alay chief Michael Keon na siya ring tatayong director para sa Team Philippines at Ramon Suzara mula sa panig ng PSC.
Sa panig naman ng POC ay sina Tom Carrasco, ang triathlon association head na siyang chief de mission ng Team Philippines at Nestor Ilagan, ang tututok sa atleta at coaches.
Sinabi ni Tuason na kailangang higitan ang dalawang gintong inihatid nina Romeo Villanueva at Gandy Valle mula sa 9-ball doubles billiard noong 1998 Asian Games.
Idinagdag ni Tuason na mas madaragdagan ng billiards ang maiuuwing ginto dahil nangako si EfrenBata Reyes na maglalaro para sa bansa hindi lamang sa isang event kundi sa tatlong event -15-ball rotation, 8-ball at isa sa carom events.
Ang iba pang sport na maaaring pagmulan ng gintong medalya ay ang taekwondo, wushu, boxing at golf.