Ayon sa manager ni Peñalosa na si Rudy Salud, inaasahan nitong matagumpay na maidedepensa ni Peñalosa ang kanyang titulo kontra sa Philippine champion na si Joel Avila sa kanilang laban na pansamantalang nakatakda sa huling linggo ng Pebrero o unang linggo ng Marso sa Makati Coliseum bago sumama kay Roach upang ipagpatuloy ang training sa Roachs Wild Card Dream malapit sa Hollywood.
Sisimulan ni Peñalosa ang sparring sa Rizal Memorial ngayon kontra sa walang talong si superflyweight Rolando Gerongco ng Cebu na sinasabing future title contender sa kanyang record na pitong panalo na may limang KOs.
Kinakailangang talunin ni Peñalosa si Avila at ipanalo ang kanyang nakatakdang tune-up fight sa U.S. bago ito magkaroon ng tsansa sa world crown na kasalukuyang hawak ng Japan-born North Korean Masamori Tokuyama.
Pinangakuan ni WBC chairman Jose Sulaiman si Peñalosa na nagtamo ng malalim na sugat sanhi ng ilang head butts at nasaktan sa ilang low blows sa kontrobersiyal na pagkatalo kay Tokuyama noong September, ng third title crack.