Itoy matapos bigyang kasiguruhan ng San Miguel management si Reyes na tapusin ang kanyang natitirang isang taon sa kanyang kontrata sa Pop Cola bilang head coach.
Kahapon, nagkasundo si Reyes at ang kampo ng San Miguel na nakakuha ng prangkisa ng RFM Corporation makaraang mabili ng San Miguel Corporation ang Cosmos Bottling noong nakaraang taon.
Susundin ang lahat ng nasa kontrata ni Reyes sa Pop Cola na papalitan na ngayon ng pangalang Coca-Cola Tigers. Itoy nangangahulugang tatanggap si Reyes ng humigit-kumulang P270,000 na buwanang suweldo.
Dahil dito, mapapanatag na si Reyes na naiwan sa limbo makaraang payagan ng PBA ang Concepcion franchise na mailipat sa San Miguel.
"At least Ill get to continue the program I started with Pop Cola. But for the first order of the day is to fill the roster first," pahayag ni Reyes.
Agad na sisimulan ni Reyes ang kanyang tungkulin at ang kanyang unang tratrabahuhin ay ang pagkuha ng serbisyo ni Jeffrey Cariaso at Bong Hawkins.
Nakatakdang makipagkita si Reyes sa bagitong koponan ng Federal Express na siyang nakamana sa pagmamay-ari ng players ng Tanduay kabilang sina Cariaso at Hawkins.
Muling mabubuo ang 1996 Alaska Grand Slam team kung magtatagumpay si Reyes sa pagkuha kina Cariaso at Hawkins na muling makakasama ng mga dating Aces na sina Jojo Lastimosa, Johnny Abarrientos at Poch Juinio na nasa poder na ngayon ng Tigers.
Mababalasa ng husto ang line-up ng Coca-Cola dahil tatlong players lamang ang may live contracts.Samantala, nasorpresa ang lahat nang sumipot sa National team tryout sina Alaska coach Tim Cone at Perry Ronquillo na kasalukuyang pinangangasiwaan ni San Miguel coach Jong Uichico dahil sa nananatiling pagkawala ni Ron Jacobs na inatake noong nakaraang taon.
Ayon kay Ronquillo, sinilip lamang nito ang mga rookies na maaari nilang kunin sa PBA Draft sa Linggo ngunit di pa nababatid ang dahilan ng pagdalaw ni Cone sa practice.
Sa iba pang balita, umi-eksena ngayon ang Alaska sa Shell sa kanilang planong pagkuha kay Mark Telan makaraang di matuloy ang nilulutong trade kina Telan at Victor Pablo ng Talk N Text.
Nakatakdang makipagkita si Alaska team manager Joaqui Trillo kay Telan ngayon. (Ulat ni Carmela Ochoa)