Ito ang inihayag ni Gus Villanueva, ang media Officer ng POC upang burahin ang pag-aalinlangang ginagamit ng kasalukuyang pamunuan ang Ethics Commission upang i-harass ang kanilang mga kritiko.
Itinalaga si Rene R. Cruz, isang retiradong police general at dating POC president, bilang chairman ng naturang komisyon habang sina IOC representative to the Philippines Francisco Elizalde, De La Salle University president Bro. Rolando Dizon at Wushu Federation of the Philippines honorary lifetime president Francis Chan bilang mga miyembro.
"The Ethics Commission has broad functions. Its a powerful body and it should not be ignored. This (Ethics) body cannot be dictated upon by anyone, including POC officials. Its recommendations or findings on cases brought before it can be the basis of sanctions or penalties to be imposed by the POC Executive Board," ani Villanueva.
Ayon pa sa POC spokesman, binigyan ang mga National Sports Associations ng kopya ng resolusyon na kinapapalooban ng mga detalye ng mga alituntunin ng Ethics Commission kabilang ang pagkilala ng hiwalay na kalayaan at responsibilidad nito sa POC Executive Board.
"The POC wants this body to serve as a watchdog that would help maintain the Olympic bodys integrity as an institution and stability as the umbrella organization of all NSAs," ani Villanueva.
May karapatan ang Ethics Commission na magbigay ng warnings, reprimands, condemnation at iba pa at maaari ding ipaalam sa kinauukulang International Federation ang mga problema.
Ang mga findings o rekomendasyon ay maaaring iindorso sa Executive Board at sa General Assembly para sa karagdagang sanctions.