Falcons binokya ng Green Archers

Binokya ng De La Salle ang Adamson, 3-0 upang manatiling walang talo sa anim na laro sa pagbabalik ng University Athletic Association of the Philippines men’s tennis tournament noong nakaraang linggo sa Valle Verde Country Club outdoor courts.

Sumandig ang Green netters na iginigiya nina Roland Kraut at Taddy Cruz kina Pop Sabandon na umiskor ng 6-4, 7-5 panalo kontra Dino Marasigan sa unang singles, Andre Cruz at Nico Faller na nagposte ng 6-4, 6-2 pananaig kontra sa tambalang Randy Baylon at Ariel Tio sa doubles, bago muling nagpamalas si Sabandon ng tikas ng kanyang kumpletuhin ang pananalasa ng DLSU sa pamamagitan ng 6-1, 6-1 panalo laban kay Bryan Esteban sa second singles.

Sa iba pang laro, binomba ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 3-0 at umiskor rin ng 3-0 panalo ang Ateneo kontra University of the East.

Show comments