Sinabi ni Lito, Alvarez, presidente ng Airfreight nais nilang i-trade na la-mang ang mga existing players ng Tanduay at kumuha ng mga bagong manlalaro mula sa MBA sa darating na PBA Annual Draft sa Enero 13 sa Glo-rietta sa Makati.
Sinabi pa ng source na walang balak ang Fed-Ex na muling ikontrata ang mga manlalaro ng Tanduay na kinabibilangan ng mga beteranong sina Rene Hawkins, Jeffrey Cariaso, Jason Webb, Dindo Pumaren at iba pa, at ang ibig ng Airfreight 2001 Inc., ay isang koponan na ang manlalaro ay pawang manggagaling sa MBA.
Ilan sa inaasintang manlalaro ng FedEx ay sina Romel Adducul, Chris Clay, Christian Calaguio, Omanzie Rodriguez, Jeffrey Flowers, Jonh Ferriols, Eddie Laure at iba pa.
Ayon sa isang opisyal ng PBA, hindi na kailangan pang baklasin ng FedEx ang mga dating manlalaro ng Tanduay dahil sa sila ang first pick, maaari silang makakuha ng mahusay na manlalaro para makabuo ng malakas na koponan.
Kaugnay nito, walang plano ang FedEx na sibakin ang mentor ng Tanduay na si Derick Pumaren.
Ayon pa kay Alvarez,kanilang ipatatapos ang nalalabing tatlong taong kontrata ni Pumaren sa Tanduay.
Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang kabilang sa first picks sa darating na Draft ay sina Ren Ren Ritualo at Yancy de Ocampo ng Welcoat, Chester Tolomia ng Shark, MBA stalwarts, Reafi Reavis, Philip Newton, Kalani Ferreira at Chito Victolero at si Mike Cortez ng La Salle.
Inaasahan ding mahuhugot sa draft sina Jojo Manalo, Celino Cruz, Eugene Tan at Frederick Canlas ng Welcoat.
Matatandaan na ibinenta ng Basic Holdings ang kanilang prangkisa sa Airfreight 2001 Inc., sa halagang P75 milyon matapos na ipamigay ni Bong Tan ang kanyang mga manlalaro na kinabibilangan ni Eric Menk na napunta sa Barangay Ginebra.
Nakatakdang magharap ang Board sa darating na Jan. 3 ng susunod na taon upang pormal na aprobahan ang prangkisa ng FedEx.
Sa iba pang development, balak umanong kunin ng Talk N Text ang serbisyo ni Elmer Yanga, dating team manager ng Pop Cola bilang team manager naman ng Phone Pals.