Pinagtanggol ang kaibigan, binata tinodas

DASMARIÑAS, Cavite – Dahil sa pagtatanggol sa kaibigang lalaki ay maagang nasawi ang isang binata na pagtulungang saksakin ng dalawang kapitbahay kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Sta. Lucia ng bayang ito.

Hindi na umabot pa ng buhay si Christopher Mami, 21 ng block 118 lot 7 ng naturang lugar, samantala ang dalawang suspek na ngayon ay nakakulong ay kinilalang sina Rading Valencia at Benedicto Jr, alyas Dodong ng nabanggit na barangay.

Nabatid sa ulat ng pulisya na napagtripang batuhin ng mga suspek ang isang nagngangalang Melvin Dayrit bandang alas-4 ng madaling-araw kaya sinaklolohan naman ito ng biktima ngunit sinalubong naman ito ng saksak ng patalim. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments