PNYG-Batang Pinoy: Manila humakot ng 8 ginto

BACOLOD CITY-Humakot ng apat na gintong medalya ang Manila tankers sa pagbubukas ng swimming competition upang agawin sa Cebu Province ang liderato sa overall standings sa ikaapat na araw ng aksiyon sa Philippine National Youth Games-Batang Pinoy kahapon.

Record-breaking performance ang ipinamalas nina Heidi Gem Ong, Gian Daniel Berino at Ma. Anna Arabejo dagdag pa ang tagumpay ni Kimberly Uy sa girls 6-under 50-meter freestyle ang nag-bigay sa Manila ng anim na gold medals dagdag ang naunang dalawang gold mula sa dancesports, bukod pa sa dalawang silver at 5 bronze medals.

Nakulekta ng Cebu Province ang kanilang ikaanim na medalya sa badminton boys team event matapos talunin ang Negros Occidental dagdag sa kanilang unang gintong medalyang produksiyon ngunit pumangalawa lamang dahil sa kanilang dalawang silver at 1 bronze lamang.

Dinaig ni Ong ang 30.05 record ni Josephine Pilapil sa girls 11-12 years old, 50m freestyle na kanyang naitala noong nakaraang Laguna Batang Pinoy sa pamama-gitan ng kanyang tiyempong 29.06 segundo.

Sinira naman ni Berino ang kanyang sariling 37.38 record sa boys 6-under 50m freestyle sa kanyang mas mabilis na 35.10 oras habang binura na-man ni Arabejo sa pamamagitan ng 2:38.24 oras ang 2:42.35 record ni A. Valdez na naitala sa unang pagtatanghal ng palarong ito para sa mga kabataang 12-gulang at pababa dito.

Bukod sa bagong records nina Ong, Berino at Arabejo, walo pang records ang nasira sa unang araw pa lamang ng kompetisyon sa swimming sa Panaad swimming pool.

Record-breaking performance din ang ipinamalas nina Miguel Villanueva ng Bacolod City sa boys 9-10 50m free (28.85), Mariel Infantado ng Oriental Mindoro sa girls division (30.42), Erika Louise Visitacion ng Las Piñas sa girls 7-8 50m free (34.99), Gerard Bordado ng Naga City sa boys 11-12 100m breaststroke (1.34.66), Denjylie Cordero ng Rizal sa girls 7-8 100m breaststroke (1:30.15), Michaelmars Danila ng Laguna sa boys 11-12 200m individual medley (2:19.85) at Louise Sarmiento ng Quezon City sa girls 9-10 200m individual medley (2:45.12).

Pumukaw naman ng pansin sa athletics si Rory del Camong ng Bukidnon nang kanyang burahin ang record na naitala ng sprint princess na si Aizza Cometa sa girls 100m sa kanyang oras na 13 segundo. Ang dating record ni Cometa ay 13.21.

Nasikwat naman ng Nueva Ecija ang dalawang gold sa karatedo mula kina Lean Santos sa boys 11-yrs. old kumite at Diana Cacdac sa girls 12-yrs. old kumite para sa kanilang kabuuang tatlong gintong medalyang produk-siyon sa likod ng tig-apat ng host Bacolod City at Rizal. (Ulat ni Carmela Ochoa)

Show comments