Ang nagpasikat sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang di mabilang na tagumpay hindi lamang dito sa bansa kundi pati na rin sa mga international competitions. Ang numero unong trackster na pambato ng bansa sa century dash kung saan siya lamang ang tanging naka-back-to-back gold medal sa Asian Games noong 1982 at 1986.
Nakakalungkot isipin na hindi nagawang bigyan ng importansiya ng ilang opisyal ng Philippine Sports Commission na nagpapatakbo ng Philippine National Youth Games-Batang Pinoy, ang ibinigay na karangalan sa bansa ni Mercado, tinatawag na "Diay" ng mga malalapit sa kanya.
Bilang isang prominenteng sports figure ng bansa, dapat sanay eroplano ang sasakyan ni Diay, hindi barko at sa hotel sana at hindi sa eskuwelahan kung saan nakatira ang mga atleta.
Para magampanan ang kanyang tungkulin bilang technical official ng PATAFA, kinakailangang humingi ng tulong si Diay para sa kanyang plane ticket na ipinagkaloob nina PSC Chairman Carlos Tuason at Commissioner William Ramirez.
Ayon kay Project Director at PSC commissioner Weena Lim, hindi nito batid na bahagi si Diay ng technical committee at hindi ito inabiso ng PATAFA.
Ipinaliwanag nitong boat ride lamang ang nakayanan ng organizing committee para sa mga technical officials na nakatira sa Negros Occidental High School dahil sa kakulangan sa budget.
Bagamat inalok si Diay na tumira na lamang sa Business Inn kasama ang ibang opisyal ng PSC, ito ay tinanggihan niya. (Ulat ni Carmela Ochoa)