Higit na agresibong laro ang ipinakita ng 19 anyos na si Phadke at madaling nakapag-adjust sa laro ni Arevalo upang mapagwagian ang laban at halagang P30,000 na pangunahing premyo.
"I did well today. I was confident of winning, maybe because I beat the top seed in the semifinals," pahayag ni Phadke na sumibak sa kababayang si Radhika Tulpule, 6-2, 6-1 noong Biyernes.
"Arevalo is a very promising player. Her cross-court backhand is good. But I adjusted well to her game. When she tried to spin the ball higher I tried to keep my ball low," dagdag pa ni Phadke na kasalukuyang number 7 sa kanilang bansa.
Inaasahan na ng worlds No. 551 Indian baseliner na papa-bor ang mga manonood kay Arevalo kung kayat binalewala niya ito.
Aminado naman si Arevalo, miyembro ng RP-Federation Cup team sa kanyang pagkatalo.
"Marami akong errors, malayo ako sa bola at hindi ako makahabol sa rally," sabi ni Arevalo, 16-anyos high school junior sa Angelicum School sa Quezon City.
"Binabalikan ako ni Phadke. Kapag nakakuha siya ng tiyempo, pinapatay ang bola," dagdag pa ni Arevalo.
Samantala, konsolasyon naman ang pagkapanalo nina Arevalo at ng katambal na si Cris Cuarto para makopo ang mixed doubles title at makapareha naman si Rina Caniza para naman sa womens doubles crown.