Nakatakda ang banggaan ng La Salle at Kutitap sa alas-2 ng hapon.
Umaasa naman ang Ateneo-Pioneer at Ana Feezers na makakabangon mula sa kanilang huling kabiguan sa nakatakda nilang engkuwentro sa alas-4 ng hapon.
Bilang pasasalamat ni PBL Commissioner Chino Trinidad sa mga fans at supporters ng liga, libre ang entrance ngayon para sa nakatakdang twinbill.